Sa Pilipinas lang natin ito makikita.
Isa sa pinaka importanteng transportasyon sa ating bansa.
Ito din ang tinaguriang HARI NG KALSADA!
Ang pamasahe sa dyip ay depende sa gaano kalayo o kalapit ang pupuntahan ninyo.
Pero kapag estudyante at senior citizen ay may diskwento.
( Ayus na din hindi ba :> )
Masasabi natin na ang nag mamaneho/driber ay isang lider
at ang mga pasahero naman ay ang mga miyembro.
Nakasasalay tayo sa nag mamaneho ng dyip sapagakat
dadalhin niya tayo sa lugar ng ating gustong puntahan.
Sa loob ng dyip, makikita natin ang iba’t-ibang klase ng tao.
Halimbawa na lamang sa mga pasahero,
May mga tao na tahimik ang iba naman ay kalakas ng mga boses.
May mga tao din na nag babayad ng pamasahe yung iba naman ay hindi.
1-2-3 ang tawag ng lahat sa mga taong hindi nag babayad ng pamasehe
Maaring may mga dahilan kung bakit ginagawa ito.
Makikita din sa loob ng dyip kung sino ang mahirap, may kaya at pa “sosi”.
Tignan na lamang natin sa pananamit nila at kung paano sila kumilos sa loob ng dyip.
May mga tao na hindi gaanong sanay sa pag sakay ng dyip.
May mga nandidiri sa pag hawak sa hand rails,
May mga taong ayaw mag abot ng bayad mo (nakaka inis yung mga taong ganun!)
May mga nag sasabi ng Thank you sa pag abot ng bayad yung iba naman wala lang.
Napansin ko lang ngayun sa mga jeep ay may tinatawag na bulok, sikat at patok.
Kapag bulok literal na talagang bulok: butas na yung mga upuan,
may mga kalawang na at malalate ang isang tao dahil sa sobrang bagal nito.
Sikat na dyip- ito naman yung stainless na dyip simple at maganda,
Medyo mabilis na din
Patok na dyip! Ito ang gustong sakyan ng karamihan sa atin at yung iba naman ay ayaw.
Mga dahilan kung bakit nila GUSTO sa patok na dyip:
1. Sobrang bilis mag patakbo ng driber. ( hindi ka na ma la-late!)
2. Malalakas yung sounds
3. May condoktor na taga singil ng bayad sa likod ng dyip.
4. Maganda ang dekorasyon sa loob at labas ng dyip. ( Saan ka pa?!)
5. Nag o-over take dahil gustong mauna. OVVVEEEERRR!!!
Mga dahilan naman kung bakit AYAW nila sa patok na dyip:
1. Sa sobrang bilis eh parang liliparin ka na!
2. Nakakabingi ang sounds. (itodo ba naman yung volume eh!)
3. Sira na ang “hair-do” mo
4. Nakaka nerbyos kapag nag o-over take para lang unahan ang isang dyip
sa pag kuha ng pasahero
5. Yung mga kondoktor na na ngu-ngulit sa mga pasahero na dito sila sumakay. ( Nakakainis!)
6. Pag baba mo ng dyip parang bingi ka na! ( ahaha !)
Ilan lang yan sa mga kadahilanan kung bakit gusto at ayaw nila sa patok na dyip.
Napapansin din natin na halos lahat ng tao ay sumamakay ng dyip
Katulad na lamang ng mga bata, estudyante, mga nag ta-trabaho sa opisina,
matanda at kung sino-sino pa.
Napaka useful talaga ng dyip para sa lahat ng tao dito sa Pilipinas.
ONLY IN THE PHILIPPINES!
May mga taong nag rereklamo dahil sa “over priced” sila kung sumingil ng pasahe.
Sa mga matatanda naman, kapag sobrang bilis mag patakbo ng driber eh sasabhin nila “ HOY! DAHAN DAHAN KA NAMAN! HINDI LANG IKAW ANG LAMAN NG DYIP!!”
(mumurahin pa nila yung driber nyan)
Sa mga estudyante naman kapag hindi binalik yung sukli sasabhin nila “Manong, yung sukli ko po, estudyante lang yan”
Bilang isang commuter ay mahirap. Lalo na kung puno ang dyip at ipag sisik-sikan ka pa ng kondoktor sa maliit na puwang na kahit isang pisngi ng pwet mo ay hindi na mag kasya. TOTOO HINDI BA?!
Aminin ko, lahat yan naranasan ko.
Ako yung tipong tahimik lang sa loob ng dyip unless na may kasama malamang mag uusap kme.
Nag babayad ako ng barya, kasi kapag buo ang ibinayad ko wala na akong makukuhang sukli.
Nakapag 1-2-3 na din ako pero one time lang nangyari yun promise!
Madami na akong nakasabay na matatanda na nag reklamo sa driber dahil sobrang bilis mag patakbo.
Nangawit ako sa kinauupuan ko dahil “kunwari” lang pala akong nakaupo =/
AAAAYYYY! Muntik ko na makalimutan! May mga PERVERT din sa loob ng dyip
( EWW talaga!! )
Hindi naman ako mapili sa dyip kung bulok, sikat o patok man yan okay lang.
Iisa lang naman talaga ang pinaka GOAL natin eh.
YUNG MAKARATING SA LUGAR NA GUSTO NATING PUNTAHAN.
Yung umuwi ng bahay galing sa eskwelahan, sa mall, sa trabaho
At yung pumunta sa mga lugar na gusto natin puntahan.
Kung tatanungin ka, anong klaseng pasahero ka?
3. Sira na ang “hair-do” mo
ReplyDeleted best yan!haha!kainis yang ganyan!
ahaha!
ReplyDeleteeh mas lalo na kapag yung katabi mo nakalugay nasalo na ng mukha mo yung mga dandruffs NYAHAHA!
tama ka ti val. kahit maganda yung sound. eh byaheng hell naman.kainis pati pagnag oover take. oveer
ReplyDeletena kaka kaba yung pag oover take kasi parang sasalpukin na yung nasa harapan =/
ReplyDeleteMay mga taong ayaw mag abot ng bayad mo (nakaka inis yung mga taong ganun!)
ReplyDelete-tamaaaaaaaaaaaaaaa. :D